isang gabi sa pusong sawi

walang konesyon ang title nayan sa sulat na ito. naisip ko lang. ang cute kasi. rhyming. parang nung sinabihan mo ako ng ang cute ko nung sinagot ko ang tanong mong "sinong may sabi?" ng "makakating labi." ngiti. kapag naaalala ko yun, di mabura ang ngiti sa mga labi ko. ngiti. parang naengkanto ang gilid ng mga labi ko at halos abutin ang tenga ko. ngiti. naubusan na ata ako ng sasabihin at gagawin kundi ngumiti.

hindi ko naman plinanong ibigin ka. di ko naman sinasadya. di ko naman hinangad. pero wala e, eto na. mahal na kita.. ick! yak! nakakadiri. cheesy. emo. totoo.

minsan sinabe mo saken, di naman lahat ng taong nagmamahalan nasa relasyon. naalala mo ba yun? pwede ko kayang i-adopt saten yan. kung ano mang meron tayo. pero teka, ano nga bang meron tayo?

nagsisimula na sana akong mangarap. maniwalang maaring ang ikaw at ako ay may pag asa. ngunit tulad nga naman ng iba pang nakakatawang/nakakainis na bagay sa buhay ko, unrequited. wow! unrequited. ingles.

teka ano nga bang punto ko? wala naman. na minahal kita. na mahal kita. na tahimik ang gabi. at siguro, na mainam ang tahimik na gabi para kalimutan ka.

p.s. ito ay di hango sa tunay na buhay. swear. mamatay man.

Comments

teka, BLOGSPOT to ah, hindi WP...kala ko ba blocked to...

anyway,

anu. . .anu bang maikocomment ko, anyway, MASARAP SA PAKIRAMDAM YUNG "parang di maialis ang ngiti sa mga labi"

megonown! ahihihihi
ayzprincess said…
today, blogspot can be accessed at WP ay blocked..

siguro choosy siya depende sa araw. lol

oo masarap sa pakiramdam yun. oi bumalik ka na.. kwentuhan tayo. boy abunda?? ahahah
FerBert said…
ang landi mo ate ayz! haha

oo hindi lahat ng nagmamahalan ay nasa relasyon. mehganon? haha
ayzprincess said…
ahihihi... thank you.

hahahaa

eto naman.. di nga hango sa tunay na buhay e :P