nakapagtataka

saw this on my drafts dated april 28 last year, haven had the time to upload it, so im uploading it now. :D

naghihingalo akong humagilap sa kahit anong makakapitan... hirap sa paghinga dahil sa pagod at sa mga hikbi.

hindi ko mapigil ang pagtulo ng mga luha at ang pag higop sa hangin na para bang huling hininga ko na to. kinailangan hanapin ko ang buong lakas ko para di sumalampak sa gitna ng daan. dito ko natagpuan ang sarili ko matapos dali daling tumakbong palayo mula sa tinutuluyan ni yael.

magdadalawang linggo na nang magkatampuhan kami. hindi ko na halos maalala kung anong nangyare at kung bakit tumagal ng ganito ang di namin pagpapansinan. ngunit kaninang umaga, habang nasa labas akong namimili, tumawag sa bahay si yael.

isang katutak na ideya ang sumagi sa isip ko, lahat maganda. magbabati na kami ni yael.. hinahanap nya ako.. hihingi na sya ng paumanhin sa mga nangyari.. gusto nya akong makita.. pinapatawad nya na ako sa aking pagtatampo.. bati na kami.. daig ko pa ang kolehiyalang kinikilig at dali daling naghanda para bisitahin si yael sa kanyang inuupahang maliit na bahay, dalawang sakay mula sa aking tirahan. ngunit andami pang mga gawaing bahay na kailangang tapusin at di pa ako nakaalis kaagad.

hapon na ng makarating ako sa bahay yael. sa harap ng kanyang pinto, muli kong inayos ang blouse na plinantsa ko pa bago isuot. dali dali kong binuksan ang pinto, pero nakalock ito. napasimangot ako saglit at saka naalala kung saan inilalagay ni yael ang susi kapag lumalabas siya ng bahay. naisip kong, kung wala man sya sa bahay, ay maghihintay na lamang ako sa loob at sosorpresahin sya.

pagpasok ko ng susi sa doorknob, ngumiti muna ako bago tuluyang buksan ang pinto. "yael," pagbati ko, saka labas ni yael mula sa banyo, nakatapis ng tuwalya.. at isang babae mula sa kanyang kwarto, saplot ang kumot sa katawan, parehong gulat sa isang akong nakatayo sa may pintuan ng bahay ni yael.

naghihingalo akong humagilap sa kahit anong makakapitan..

"april," si yael, nakashorts na ngunit wala pa ring pangitaas, tumutulo pa sa kanyang mga buhok ang tubig, hinabol nya ako hanggang sa kung saan ako ngayon nakatayo.

"april," muli niyang pagtawag. ngunit di ako lumilingon. "april," hinawakan nya ang aking braso, "magpapaliwanag ako."

tinaggal ko ang kanyang kamay at lumakad palayo. "april," ito ba ang paraan niya para pigilan akong umalis. patuloy ako sa paglalakad. "april," tawag niyang muli. ayaw ko siyang lingunin, dahil ayaw kong makita niya ang mga luhang ayaw tumigil sa pagbuhos mula sa aking mga mata.

"april, saglit naman!" pagsigaw niya.

natigilan ako. at saka humarap sa kanya, "at ano yael?" sagot ko. hikbi. " anong pwede mong sabihin sa akin na makakapagpaliwanag ng nakita ko?"

"april," sambit niya, saka lakad papalapit saken. umiling ako at tumigil siya sa paglapit. "ano yael?" hikbi. "ano?" yun lamang ang nasabi ko. at parang sa pelikula, sabay bumuhos ang ulan na tila nakikiramay sa pag iyak ng aking puso.

"ano?!" pagpipilit ko. ngunit walang sinabi si yael, kundi tumungo lang siya at umiling.

at parang senyales iyon, muli akong tumalikod at tumakbo palayo.. tumakbo akong palayo.. umiiyak..

Comments