salamat po doc


kala nyo naman kung sinong doctor at kung anong klaseng pasasalamat na :p

si dr. seuss, ang pinakamamahal kong doctor sa buong mundo. which is weird, kasi di namna ako sure kung doctor talaga sya o may doctorate sya o psuedonym nya lang yun..

anyhoo, dahil sa kanya, nahilig ako sa english. naalala ko, grade three ako nun sa maliit na library ng sisters of mary immaculate school (oo, catholic school ako nagaral), nang una kong mahawakan ang librong, green eggs and ham.
halos araw araw kong binabalikan ang librong yan, dahil tuwang tuwa nga ako sa rhyming words nito at sa simple ng storya.

simula nuon, ipinangako ko na sa sarili ko na kung pagpapalain ako ng dyos na magkaanak, papalakihin ko sila sa dr. seuss books. oo! inglisero at inglisera dapat ang mga anak ko! ahahahah.

at dahil dyan.. sinimulan ko na ang pagcollect sa aking dr. seuss books.. san ko pa nga ba sisimulan kundi sa green eggs and ham :D

my very own green eggs and ham :D

Comments

Ako din gusto ko pag nagkaanak ako Englisero at Englisera. Planado na 'yan. Dapat me library sa bahay na punung puno ng mga English literaries, tapos every night magkakaroon kami ng story telling sessions. At dapat ang mga magiging barkada ng mga anak ko eh mga English spokening dollar din. Kaya kailangan kong makabili ng bahay sa Hillsborough Alabang para maganda ang community... Blah Blah Blah... *LOLz*
RJ said…
sana naging masipag ako magaral ng english nung bata pa ko, kaso lagi ako frustrated sa grades ko sa english nung highschool eh. kaya tinamad na rin ako. hehehe.

puro funny komiks at pugad baboy kasi ang paborito kong pagbabasahin eh.
ayzprincess said…
@ alex.. isa sa mga di dapat mawala sa bahay ko e ang library.. buti nang mamatay kami sa gutom, wag lang kaming mawalan ng libro. kung kelan kumain kami ng pahina ng mga libro para di kami mamatay sa gutom, gagawin ko! hahaha. lolz

saken, di naman kelangan na inglisero din ang tropa.. gusto ko pa rin na marunong syang magtagalog, pero mas gusto ko na magaling syang mag english :D

@rj, di pa naman huli ang lahat. ako natuto lang talaga ng pageenglish sa pagbabasa ng mga libro.. at kakapraktis.. yung tipong kahit mali english ko, bahala na.. mapraktis lang. ahhaha
Axel said…
Puro anak mga iniisip nyo...
Ayusin nyo muna english nyo... hehehe...