i am most safe when im with you

pinagalitan ako ng tatay ko, kasi di na naman ako umuwi kagabe. mula sa isang magdamagang gimik (wag mo nang pangaraping iclick kung wala kang multiply, nakaprivate yan!) nung sunday till monday ng 3pm, saka ligo at layas ng 5pm para makidinner kila lethalverses sa makati.

kasama sila damdam, chroneicon, mariano, jeck, pam at si axel, nagdinner kami at nagkwentuhan.

most of my friends refer to the greenies (when associated with me) as my "blog friends" which they are. katulad ng sinabe ni LV, sa thread na ito, nagtatampo na rin ang mga kaibigan ko saken dahil hindi na nila ako nakakasamang lumabas, samantalang kapag greenies ang may tawag, kahit kulang sa tulog, halos walang pera, biglaan, andyan ako kagad.

kaninang umaga, pauwi ng bahay, habang inaanticipate ko ang sermon ng tatay ko, e napaisip ako kung ano bang idadahilan ko sa kanya. the truth is, i love being with the greenies because i feel at my safest when im with them. alam ko kasing walang mangyayareng masama saken kapag sila ang kasama ko. alam kong hindi ako huhusgahan ng mga taong ito. alam kong sa bawat pagsasama namen, aware man kami o hindi, we help each other become better people.

hindi ako girly. i carry my own weight, walk my own pace and like to think of myself as an independent woman. pero aminin naman nateng mga girls, kahit hindi tayo girly, we like being taken care of. that's another thing i like about the greenies, i can be girly or independent when im with them. i know they always have my back.

i can be goofy. i can be funny. i can be quiet. i can be crazy. i can be girly. i can be smart. i can be stupid. i can be gay. i can be fat. i can be nice. i can be mad. i can be my many other complexities but i will always be loved.

cheers friends!

Comments

pampoy said…
Sobrang thankful din ako dahil nakilala ko kayo.

Wala ako sa picture na yan. huhuhu.
ayzprincess said…
^pammie.. ako rin..

sobrang masaya ako na kaibigan ko
kayo *wipes tears*

ako rin wala dyan sa picture.. pero kamay ko andyan! heheh :D
Ang saya naman ng barkada pic na ito! Be happy kasi madaming nagla-love sa iyo!:)
ayzprincess said…
naku! malungkot pa kami sa lagay na yan! :D

i know.. i am thankful and i feel really blessed that i have them :D

sali ka sa forums namen! haha :D

sabay plugging di ba?!
Haaaaayyyyy...

*Isang malalim na malalim na buntung-hininga*
silverfox said…
kasama rin ba ako diyan? hehehe..

actually.. the first time i met you guys, i didn't feel left out or anything. You guys made us feel welcomed. Kaso, kami ni jowe may sariling mundo kasi pareho kaming nahihiya.. hihihi..
lethalverses said…
ohhh...

so touching.

aktuli ayz, sabi ko nga sayo, if nde kita napapansin or niaasar, ibig sabihin totoong galit ako.

buti nde ka napipikon hehehe... labs ka lang namin!!

mwahugz!
lethalverses said…
This comment has been removed by the author.
lethalverses said…
AND SA GREENIES (syet ang drama ko) :

tenkpul din po ako na nakilala ko kayo. yur olweys deyr : kalokohan, tawanan, inuman, emo talks, usapang puso at puson, etc. etc.

nakakaadik nga!
jeck said…
wala ako sa pic.

thanks for the friendship, greenies!

love you all. :D
ayzprincess said…
@gasul.. uyy inggit!! miss nya na kami!! miss ka na namen dito lexie.. kung di dahil sanyo ni jeck, di ako magiging greenie :D

@rain, oo naman kasama ka dito! ok lang yun rain. newbie ka pa kasi e. pero kapag matagal tagal ka na, makikikulit ka na rin samen, for sure :D

@LV, namhen!! haylabyu too.. at di lang ikaw, lahat ng greenies. salamat sa pagtyatyaga saken, lalo na iparealize saken that i am worth more than i see myself.. apir! yab yu shey shey :D

@ jeck, ako rin wala sa pic, kamay ko lang yan :D ahihih at sabe ko nga, i owe it to you and lexie that i am part of this family! miss na kita jeck! :D
damdam said…
isang malaki at mahigpit na virtual hug ayz!!!

hehehehe...

alam mo na yun(kahapon lang nag chat tayo e... hihihi).. i value everyone sa circle natin..

always take care of yourself.. ingats tayo sa baguio! i love you ayz! (pero hindi ibgsabihin nito e makukuha mo anak ko bleh!)
ayzprincess said…
^virtually hugs you back!!!

lab kita! alam mo yan! lab ko kayong lahat!! heheh
axel said…
Shet... Nakakaiyak naman to...

Thankful din ako at nakilala ko kayo.. Mahirap talagang ipaliwanag pero masaya ako kapag kasama ko kayo, kahit minsan nag-aaway na kami ng GF ko... hehehe...

*teary eyes*
ayzprincess said…
^yun nga.. in so many ways we help each other become better people..

para tayong mga magkakapatid in our past lives or something to that effect..

hahaha.. love ko lahat ng greenies :D
silverfox said…
magkakapatid kayo sa past life??

ang sipag naman ng parents niyo!!

hehehe
ayzprincess said…
^neng, kapatid ka rin namen! ahaha