BEST HUMOR BLOGS

ako din! sasali din ako sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles at eto ang vote ko!

1. Ang Pilipinong Makulit ni Jason - KELANGAN PA BA NG DAHILAN DITO?? kung hindi ito humor blog, ewan ko nalang kung ano pa ang nakakatawa! kumpletos rekados, may forums, may pictures, may videos, SAN KA PA?! at higit sa lahat, napaka-interactive. hindi lang mismo ni jason, na syang may ari ng site kundi lahat ng mga readers nya. makikita mong nagsasagutan at nahihiritan ang mga nag co-comments. dito daig mo pa ang GLOBE sa lakas at ang GMA sa pag-belong. (aruy! pinilit!)

dito! ikaw ang bida! may tawa ka na, may bonus pang kaibigan!


2.Loser's Realm ni Mariano - si mariano lang ang makakahirit ng "wala na akong mahirit" at matatawa ka. sobrang witty ng blog na to (at syempre ng tao rin mismo), yung mga tipong simple things in life and the way he presents it, talagan mapapa-laugh out loud ka. mapapakamot ka talaga ng ulo (habang tumatawa) at sasabihing, "bat di ko ba naisip yun?"
game sa lahat! hindi nahihiya! sobrang sarap kasama at kausap. kahit mukhang walang sense, makikita mo ang sense kapag sya ang kausap mo!


3.Pusong Mamon ni Jeck - isa sa mga pinakauna kong kaibigan sa blog world ay si jeck. sa personal hindi mo akalaing nakakatawang tao si jeck. pandak, mukhang tomboy, tawa lang ng tawa (haylabyu jeck!) pero kapag nabasa mo ang blog ni jeck, matatawa ka rin. mula sa mga misadventures nya at sa sangkatutak nyang katangahan (lageng nawawala ang id at atm) at sa kanyang mga storyang, napakahaba man e nakakadik naman.. swak na swak talaga!

Comments

jeck said…
huy hindi ako pandak! magkasukatan pa tayo e. nagkataon lang na madaming matangkad sa greenies. tae yan. mag-paa ka sa sabado, magpa-paa ako, magsukatan tayo. hmp. matangkad pa ako kay pammie. haha.

salamat sa boto. :)
saya naman nitong mga blogs na ito.:)
ayzprincess said…
@jeck.. buti nga pandak nilagay ko at di maliit! ahahah :P

@keitaro, ay naku! mas makulit ang mga yan sa personal :D
pampoy said…
@jeck>> oist! mas matangkad ka ba saken??? hindi ko alam yun ah?! ano size ng paa mo este ano pala height mo? LOL

@ayz>> akala ko hindi na mag-t-thank you sayo si jeck sa pagboto mo sa kanya sa mga words na ginamit mo to describe him. hahahaha!
ayzprincess said…
aba aba aba! nagsasabe lang ako ng totoo!

ehehhe
greenpinoy said…
hahahaah ang saya! gusto ko yung tag line mo ha!

"may tawa ka na, may libre ka pang kaibigan!"

parang nagbebenta lang ng insurance!!! :)

maraming salamat ayzzzzz! mwah1
ayzprincess said…
^totoo naman e.. parang nageenjoy ka na may libre ka pang kaibigan..

at di lang basta kaibigan.. kungdi bonggang bonggang kaibigan :D

hayabyu jason!! heheh